Powered by
  • Home
  • About Evan Tan
  • Published Work
  • Contact
A WRITER IN MANILA.

Higit sa Salita

11/16/2017

Comments

 
Picture
Yogyakarta, 2012
Dear Ate Belle,

​Kamusta? 
 Alam ko na wala namang point na magsulat ng sulat sa mga patay. Pero iniisip ko, siguro, kapag pwede na ang mag-time travel, madadala ko itong sulat na ito sa'yo. O baka, merong makakabasa ng sulat na ito sa future, at magta-time travel siya para ipabasa sa'yo.

Mahigit isang taon na nung nawala ka. Minsan, nakakalimutan ko na wala ka na. Kapag nagluluto ako, o nagtitiklop ng mga linabhan, o naggo-grocery, iniisip ko kung paano mo ginagawa ito dati para sa amin. 

Siguro napakareductive na isipin na ito ang mga bagay na nagpapaalala sa akin nung buhay ka pa. Sa makakabasa, siguro iisipin nila na napakababaw ng perception ko tungkol sa'yo, na ang naiisip ko lang ay yung mga panahon na naninilbihan ka. Na nagsisilbi ka.

Pero para sa akin, dun mo higit na ipinakita ang pagmamahal mo. Doon ko pinakanaramdaman ang pagmamahal mo sa amin. Sa serbisyo. Na inalay mo ang buhay mo para sa amin. Marahil, sa tahimik mong paraan, ipinakita mo na mahal mo kami. 

Kasi hindi ba, ganun talaga ang pag-ibig? Na wala iyon sa salita, kung hindi sa gawa. Sa araw-araw na pagpaparaya, na pagpapatuloy, na pagpupursige. Marahil, ang malaking aral na naituro mo sa amin ay mas matimbang ang pag-ibig na ipinamalas sa gawa, mahigit pa sa salitang binitawan dala ng bugso ng damdamin.

Naiisip ko, para saan? Para saan ang lahat? Karapat-dapat ba kami sa pag-ibig na binigay mo? Minsan iniisip ko na hindi kami siguro ang karapat-dapat nakatanggap ng pagmamahal mo. Siguro may ibang tao na mas deserving nuon. 

Ngunit, siguro, hindi mo naman inisip na may kapalit, na sa bawa't inalay mo, may nakaabang na kabayaran. Kahit na nanilbihan ka bilang kasambahay, alam ko na hindi mapapalitan ng kahit anong halaga ang buhay na ibinigay mo para sa amin. 

Gusto kong matuto kung paano magmahal katulad mo: na kahit nakakatakot, ay patuloy na nagbibigay. 

Ate Belle, iniisip ko na yakap kita ngayon. May isang hibla sa kawalang-hanggan na magkayakap tayo, at hindi iyon natatapos. Sa isang hibla ng kawalang-hanggan, hawak mo ang kamay ko. 

Mahal na mahal kita. Nami-miss kita, Ate Belle. 

Paalam muli,
​Evan
Like us on Facebook: Writer in Manila

Comments
    HELLO, MY NAME IS EVAN TAN.

    ​I'm a writer and communications professional based in Manila, Philippines. Outside of my regular job, I like to travel, work out, volunteer, watch movies and plays, go to art galleries/ fairs and museums, read books, and eat vegetarian food.

    ​
    More about me here.
    ​

    Creative Commons License

    Archives

    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    August 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015
    September 2015
    August 2015
    July 2015
    May 2015
    April 2015
    March 2015
    February 2015
    January 2015
    December 2014
    November 2014
    September 2014
    August 2014
    July 2014
    June 2014
    May 2014
    April 2014
    March 2014
    February 2014
    January 2014
    December 2013
    November 2013
    October 2013
    September 2013
    August 2013
    July 2013
    June 2013
    May 2013
    April 2013
    March 2013
    February 2013

    Categories

    All
    Art
    Art Project
    Bagan
    Business
    Career
    Creativity
    Desiderata
    Education
    Fiction
    Film
    Freelancer
    Freelancer.com
    Freelancing
    Gay
    Georgetown
    Health
    History
    IDAHOT
    Ideation
    Internet
    Juan Luis Garcia
    Kuala Lumpur
    LGBT
    Literature
    Malaysia
    Marketing
    Microfiction
    Myanmar
    News
    Noynoy
    Old Boy
    Personal Branding
    Personal Life
    Philippines
    Pnoy
    Pop Culture
    Pride
    Reflections
    Rudyard Kipling
    Science & Tech
    Self Improvement
    Self-Improvement
    SOGIE
    Spike Lee
    Story
    Taipei
    Taiwan
    Taxumo
    The Library Underground
    Travel
    Two50two
    Typhoon Haiyan
    Vegetarianism
    World Events
    Writer In Manila
    Writing
    Yolanda

Powered by
  • Home
  • About Evan Tan
  • Published Work
  • Contact
Powered by
Powered by
✕